MANILA, Philippines - Aksidente umanong nawalan ng preno ang isang traiÂler truck kaya’t nasalpok ang kaÂsalubong na pamÂpasaheÂrong bus na ikinasawi ng 10 katao at pagkasugat ng 40 iba pa, naganap kamakalawa sa bulubunduÂking bahagi ng highway ng Sitio Gaway-Gaway, Brgy. Uling, Naga City, Cebu.
Ang mga namatay ay kinilalang sina Antonio Omagay, driver ng trailer truck (GUF-405 ) at siyam pang mga pasahero ng Calvo Bus LiÂner (GWH-253) na kinilalang sina Lyle Carmita, 5; Emmanuel Gaudisi, 28; Almera Pamandanan, 36; CayeÂtana Fernandez; Dionny Pajamutan; Melvin Constanilla; pawang nasa hustong gulang, Lilita Etang, 51, Julie Pajamutan, nasa hustong gulang at isang di pa nakilaÂlang lalaki na tinatayang 21-anyos.
Sa imbestigasyon ni PO2 Dionisio Trumata ng Naga City Police, lima sa mga biktima ay namatay noon din sa lugar ng pinangyarihan kabilang si Omagay habang lima naman ang binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas sa pagamutan.
Batay sa ulat, bandang alas-4:45 ng hapon ay binabagtas ng Prime Mover Trailer truck (GUT 405) na minamaneho ni Omagay ang nasabing lugar nang bigla na lamang itong mawalan ng preno sa matarik at pakurÂbadang highway.
Tuluy-tuloy nitong siÂnalpok ang kasalubong na bus na minamaneho ni Jimmy Limoran na galing Cebu City at patungong Toledo City na may sakay na 56 katao.
Nakaladkad ng 15 metÂro at sa lakas ng pagkakabangga ay nahulog pa sa isang malalim na kanal sa tabi ng highway habang ang trailer truck ay sumalÂpok pa sa isang puno ng mangga kung saan naipit ang katawan ni Omagay na siya nitong ikinamatay.
Isinugod naman sa Carmen Copper Hospital sa Brgy. Don Andres Soriano ng lungsod ang mga nasugatang biktima kabilang ang 34 pasyente na dinala sa Don Vicente Sotto Memorial Medical Center sa Cebu City.
Patuloy ang masusing imbestigasyon ng mga oÂtoridad sa kasong ito.