^

Police Metro

Marantan atbp., nakatakdang kasuhan

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Kasong grave misconduct o neglect of duty  ang ikinukonsiderang isampa laban sa mga sangkot na tauhan at mga opisyal at tauhan ng Police Regional Office (PRO) IV A ng liderato ng Philippine National Police.

Kabilang naman sa mga posibleng makasuhan ay ang nasugatang si Sr. Supt. Hansel Marantan, Deputy Chief ng Intelligence Division ng PRO IV A, ang team leader ng nasabing kuwestiyo­nableng checkpoint.

Bukod kay Marantan kabilang ay sina Sr. Supt. Valeriano de Leon, Provincial Police Office (PPO) Director ng Quezon, Supt. Ramon Ba­lauag, Intelligence Chief ng Quezon PPO, Chief Inspector Grant Gollod, hepe ng Atimonan Police at iba pa.

Ang may 25 sundalo sa pamumuno nina Lt. Col. Monico Abang, Commander ng 1st Special Forces Batta­lion (SFB) at Capt. Erwin Ma­calinao, Commander ng 3rd Special Forces Company.

Ang National Bureau of Investigation na ang lead agency sa na­ganap na shootout sa Que­zon na kabilang sa mga nasawi ay si Sr. Supt. Alfredo Con­se­mino, Group Director ng PRO IV B, dala­­wang police se­curity escort nito, dalawang tauhan ng Philippine Air Force, ang umano’y illegal gambling operator na si Vic Siman at iba pa.

Samantala, bunga naman ng shootout sa San Juan, Batangas noong Lunes na ikinasawi ng ko­lektor sa bookies ni Siman na si Fernando Morales ay nasibak sa puwesto si PRO IV A Director P/Chief Supt. James Melad at may 24 pang pulis kabilang ang apat pang opisyal.

A DIRECTOR P

ALFREDO CON

ANG NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

ATIMONAN POLICE

CHIEF INSPECTOR GRANT GOLLOD

CHIEF SUPT

DEPUTY CHIEF

SHY

SR. SUPT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with