^

Police Metro

2 hired killers timbog sa checkpoint

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dalawang lalaki na magkaangkas sa isang mo­torsiklo na umano ay hired killers ang nasakote sa inilatag na checkpoint ng Pasay City Police na bahagi ng comelec election gun ban kamakalawa ng gabi.

Ang mga naarestong suspek ay sina Mark Jef­ferson Tenorio, 27-anyos, ng Maya St., Rizal, Makati City at Sylvester Lazo, 25, ng Pembo, Makati City.

Ayon kay P/Sr. Supt. Rodolfo Llorca, hepe ng Pasay Police, na ang dalawang suspek ay nasita sa isang checkpoint sa may Taft Avenue, Pasay habang magkaangkas sa isang itim na Hondang motorsiklo na walang plaka.  

Nang isailalim sa inspeksyon, nadiskubre sa posesyon ng mga ito ng dalawang kalibre .38 baril na puno ng bala at nakuha rin sa mga ito ang  isang floor plan ng isang bahay.  

Nagtungo naman sa istasyon ng Pasay Police ang isang mag-asawa na humiling na huwag magpabanggit ng pangalan, at positibong itinuro ang dalawang suspek na siyang nakita umano nilang umaali-aligid sa kanilang bahay.

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Om­­nibus Election Code, illegal possession of fire­arms at ammunitions, at posibleng carnapping ang mga suspek kapag napatunayan na karnap ang motor­sik­long kanilang minamaneho.

vuukle comment

ELECTION CODE

MAKATI CITY

MARK JEF

MAYA ST.

PASAY CITY POLICE

PASAY POLICE

RODOLFO LLORCA

SHY

SR. SUPT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with