Makulit sa inuman inatado

MANILA, Philippines - Ang pagiging makulit umano sa inu­man ang naging sanhi ng kamatayan ng isang warehouse caretaker nang pagsasaksakin ng kanyang kasamahan kahapon ng madaling-araw sa Pasay City.

Namatay noon din ang biktimang si Allan Clemente, nasa hustong gulang, stay-in sa bodega sa Promax warehouse na matatagpuan sa No. 2242-B F.B Harrison St., ng naturang lungsod.

Agad namang sumuko ang suspek na si Mario Espiritu, 45, warehouse house­man, at stay-in din sa naturang bodega.

Batay sa ulat, dakong ala-1:25 ng madaling araw sa tapat ng barracks sa parking lot ng Promax warehouse ay  unang nag-iinuman ang biktima at suspek nang magtalo ang mga ito dahil sa isang biro na hindi nagustuhan.

Dinampot ng suspek ang patalim sa ibabaw ng kanilang mesa at paulit-ulit na inundayan ng saksak ang biktima.

 

Show comments