MANILA, Philippines - Bilang bahagi ng pagsasaayos ng serbisyo sa BuÂreau of Customs (BoC) ay sinimulan na ni Custom Commissioner Ruffy BiaÂzon ang pagbalasa sa kanÂyang mga opisyal.
Nabatid na inilipat bilang collector ng Cagayan De Oro port kapalit ni Anju Castigador si Atty. Lourdes Mangaoang na dating may hawak ng x-ray inspection project sa Manila International Container Port (MICP).
Si Castigador ay inilagay sa Office of the Commissioner habang si Carmelita Talusan naman na galing sa Subic Bay Free Port, ang bagong pinuno ng X-ray Inspection Project kapalit ni Mangaoang.
Pumalit naman kay Talusan sa Subic si Adelina Molina na dating chief of staff sa Office of the Commissioner na pinalitan naman ni Atty. Geniefelle Lagmay.
Ibinalik sa Clark International Airport si Cebu District Collector Ronnie Silvestre at pinalitan ito ni Edward Dela Cuesta.
Kabilang din sa mga binalasa ang mga opisyal ng Port of Manila, Administrative, Assessment Operations at Risk Management Office.
Ayon pa kay Biazon, muling magkakaroon ng balasahan pagkatapos ng eleksiyon kung kaya’t pinayuhan nito ang kanyang mga tauhan na pagbutihin ang kaÂnilang trabaho at hindi umano ito mangingimi na magtanggal ng kanyang mga tauhan hanggang hindi magiging maayos at epekÂtibo ang mga programa ng ahensiya.