^

Police Metro

Sa unang araw ng pagpapatupad sa gun ban… Tserman tinodas sa piyesta

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang incumbent ba­rangay chairman ang nasawi nang ito ay pagbabarilin sa isang piyestehan kasabay ng pagpapatupad sa gun ban sa pagsisimula ng election period naganap kamakalawa ng gabi sa San Pablo, Isabela.

Ang nasawing biktima dahil sa dalawang tama ng bala ng kalibre 45 sa ulo ay nakilalang si Victor Aco­ba, 43-anyos, chairman sa Brgy. San Vicente ng bayang ito.

Sa ulat na nakarating kay Sr. Supt. Franklin Ma­banag, Provincial Police Office (PPO) Director ng Isabela bandang alas-10:30 ng gabi ay kasalu­kuyang nasa loob ng Delfin Albano Hall, Brgy. Pob­lacion Centro, ang bik­tima at nakikipagsayaw sa piyestahan.

Dito ay humalo umano ang suspek sa kasiyahan ng kumpol ng mga tao at nilapitan ang biktima.

Pagkalapit sa biktima ay bumunot ang suspek ng kanyang baril at pinagbabaril nang malapitan si Acoba na duguang bumagsak.

Mabilis namang tuma­kas ang salarin na sinamantala ang pagpapanik ng mga nagpanakbuhang residente sa lugar.

Isa sa iniimbestigahan ng pulisya sa motibo ng krimen ay anggulo sa pu­li­tika.

BRGY

DELFIN ALBANO HALL

FRANKLIN MA

ISABELA

PROVINCIAL POLICE OFFICE

SAN PABLO

SAN VICENTE

SHY

SR. SUPT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with