2 Dayuhan huli sa droga
MANILA, Philippines - Dalawang dayuhan, ang isa ay babaeng Thai national at isang Swedish national ang dinakip ng mga awtoriÂdad sa magkahiwalay na pagsalakay sa Taguig at ParaÂñaque City, kamakalawa.
Unang naaresto ng TaÂguig police ang suspek na si Anna P. Roengsamran, alyas Thailander, 40-anyos, na naninirahan sa #164-E Manalo Apartment, Holy Family Village, BagumbaÂyan, Taguig, ganap na alas-4:00 ng hapon.
Sumunod na dinakip ang isang Swedish national na si Bjarne S. Chelin, 65 na pansamantalang nanunuluyan sa 1EB Annex 38, Barangay Don Bosco, Parañaque City, ganap na alas-11:30 ng gabi.
Ayon sa report, matagal ng under surveillance ang dalawang dayuhan dahil na rin sa impormasyong naÂkarating sa pulisya na nagÂtutulak sila ng droga.
Nang makumpirma sagkot nga sa illegal ‘drug trade’ ang dalawang suspek ay agad na isinagawa ang buy-bust operation na nagresulat ng kanilang pagkakaaresto.
Kapwa nahaharap ngaÂyon sa kasong drug pushing ang dalawang suspek.
- Latest