^

Police Metro

Sinundo ng namayapang misis… Biyudo nagbigti

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - “Sinusundo na ako ng misis ko kaya sasama na ako”. Ito umano ang hu­ling katagang sinabi ng isang 63-taong gulang na biyudo bago siya nagbigti sa loob ng kanyang bahay sa Novalichez, Quezon City, kahapon ng umaga.

Ang biktima ay nakilalang si Nonito Laca­yan,  residente ng  #103 P. Garcia Extension, Magsaysay St., Doña Faustino Subdivision, Brgy. San Bartolome, Novaliches sa lungsod.

Ayon kay PO3 Edison R. Baguilan ng Quezon City Police Station 4, si Lacayan ay may isang taon nang biyudo at ta­nging ang kasama nito sa bahay ay ang kaanak na si Milagros Valenciano, 68.

Natagpuan ang biktima, ganap na alas-6:15 ng umaga sa kanilang bahay ilang minuto matapos ang pakikipag-usap nito kay Milagros hingil sa asawa niyang namayapa at naghihintay sa kanya.

Sabi ni Milagros, binalewala umano niya ang sinabi ng biktima  na sinusundo na siya ng kanyang namatay na asawa at kailangan na niyang sumama kaya nagpatuloy sa kanyang ginagawa sa pag-aakalang nalulungkot lamang ito.

Ilang minuto ang lumipas, nang bibigyan na ni Milagros ng kape ang biktima ay nasurpresa na lamang ito nang makita si Nonito na nakabigti sa kisame gamit ang kawad ng telepono.

EDISON R

FAUSTINO SUBDIVISION

GARCIA EXTENSION

MAGSAYSAY ST.

MILAGROS

MILAGROS VALENCIANO

NONITO LACA

QUEZON CITY

QUEZON CITY POLICE STATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with