MANILA, Philippines - Tinatayang aabot sa 13,000 katao ang apektado ng paghagupit ng bagyong Bising sa tatlong rehiyon ng Mindanao.
Ito ang iniulat ng NaÂtioÂnal Disaster Risk ReÂduction and Management Council (NDRRMC) kaÂhapon at patuloy ang giÂnagawang monitoring sa mga binahang lugar matapos na tuluyan ng maÂging ganap ng bagyo ang nararanasang Low Pressure Area (LPA) na pinangalanang Bising.
Kabilang sa mga naapektuhan ng bagyo ay 3,620 pamilya o kabuuang 13,222 katao sa Davao, SOCCSARGEN at sa CARAGA Region ay nasa 1, 880 pamilya o katumbas na 7,565 katao na pawang inilikas na sanhi ng mga pagbaha.
Karamihan naman sa mga evacuees ay mula sa Butuan City at Las Nieves sa Agusan del Norte na nakakaranas ng malalakas na pagbuhos ng ulan.
Nananatili ang alert level 3 sa Butuan City dahilan sa patuloy na pagtaas ng tubig sa Agusan River.
Nakataas ang signal no. 1 sa Camarines Sur, CaÂtanduanes, Albay, Sorsogon, Northern, Western at Eastern Samar.
Naitala naman sa inisyal na P1.5 M ang pinsala sa Nurcia Integrated School Science LaboraÂtory sa Lanuza, Surigao del Sur sanhi ng mga pagbaha.
Samantala, umaabot naman sa mahigit ng 2,000 ang mga stranded na pasahero sa Bicol Region partikular na sa mga pantalan ng lalawigan ng Albay at Sorsogon sanhi ng patuloy na malalakas na pagbuhos ng ulan dulot ng bagyong Bising.
Kabilang dito ay ang nasa 1, 249 pasahero sa Matnog Port; 342 stranded na katao sa Pilar Port ; 138 pasahero sa Tabaco Port at 248 naman sa Pioduran Port sa lalawigan ng Albay.
Samantalang bukod dito ay marami ring mga kargamento, trucks, bus at mga light vehicles ang na-stranded rin sa pantalan ng lungsod. – Joy Cantos, Doris Franche-Borja –