Ulo ng buko vendor biniyak

MANILA, Philippines - Kung paano binibiyak ng isang buko vendor ang mga tinda niyang buko ay ganun din ang ginawa sa kanya ng kaalitan nang itakin ang kanyang ulo matapos na barilin kamakalawa ng gabi sa Tondo, Maynila.

Namatay noon din ang biktimang si Lolito Tarrayo, 51, residente ng Lakandula St., Tondo.

Habang ang suspek na tumakas ay nakilalang si Jimmy Bombani, alyas “Jumbo”, 46.

Batay sa ulat, dakong alas-8:30 ng gabi sa harapan ng buko stall ng biktima sa No. 510 Lakandula St., Tondo ay nakikipag-usap ito sa isang Virgilio Bermejo nang dumating ang suspek at agad na pinagbabaril siya.

Kahit may tama ay nakatakbo, subalit hinabol siya ng suspek na nagawang mang-agaw ng itak sa isang buko vendor at nang madapa ang biktima ay initak ang ulo nito.

 

Show comments