MANILA, Philippines - Sa pagsisimula ng gun ban sa Linggo (Enero13) ay kasado na rin ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) ang checkpoints sa iba’t-ibang bahagi ng bansa kaugnay ng gaganaping midterm election sa darating na Mayo ng taong ito at kanÂselado na rin pansamantala ang lahat ng Permit to Carry Firearms Outside Residence (PTCFOR).
Ayon kay PNP Spokesman Chief Supt. Generoso Cerbo Jr., asahan na ang karagdagang police visibiÂlity at pagkalat ng mga checkpoint operation.
Sinabi naman ni AFP Public Affairs Office Chief Col. Arnulfo Marcelo Burgos Jr. na nakahanda na ang mga sundalo na makatuwang sa checkpoint operations ang mga pulis bilang mga deputado ng Comelec.