Nag-upload ng sex photos ng ex-GF inaresto

MANILA, Philippines - Dinakip kahapon ng mga pulis ang isang kawani ng Manila City Hall matapos na ireklamo ito ng dating nobya nang pag-upload ng kanilang sex photos sa Facebook.

Ang suspek na nakakulong sa MPD-Station 4, ay nakilalang si Fritz Floreindo, 27, ng Vicente Cruz St., Sampaloc, Maynila.

Sa imbestigasyon ng pulisya, bandang alas-2:50 ng madaling-araw nang dakpin ang suspek sa loob ng Biak na Bato Bar and Restaurant sa Retiro St., Sampaloc, Maynila dahil sa reklamo ng ex-girlfirend na si Myra (hindi tunay na pangalan), 20, casino dealer.

Sa salaysay ni Myra, bago ang pag-upload ng mga sex photos ng suspek ay nagalit ito matapos niyang makaaway ang kaibigang babae nito.

Ikinagalit ito ng suspek at nagbanta na ia-upload ang kanilang sex photos kung hindi titigilan ang pag-away sa kaibigang babae. Huli na nang natuklasan ni Myra na tinotoo ng suspek ang banta nang nakita niya sa FB account ang nasabing mga larawan.

Show comments