Magdalo partylist aprubado sa COMELEC

MANILA, Philippines - Ginawaran nang akre­di­tas­yon ng Commission on Elections para makala­hok sa eleksyon ngayong taon ang grupong Magda­lo Para sa Pilipino (Mag­da­lo) at ang inisyal na pag­­ka­kahirang sa kanila bi­­lang ikalimang kandi­da­­­to sa balota ng mga par­ty­­list groups.

Ayon kay Gary Aleja­no, 1st nominee ng Mag­­dalo na lubos ang kani­lang pasasalamat dahil sa unang pag­kaka­taon ay mag­­­ka­ka­­roon na ng kina­ta­wan ang mga retirado at dating miyem­bro ng Huk­bong Sandatahan ng Pili­pi­nas sa Kongreso.

Bago pa man aprubahan ng Comelec ang Magdalo bilang sectoral party­list organization, aktibo na sa mga socio-civic activity ang mga miyembro nito na karamihan ay datihan at retiradong militar.

Ayon pa kay Alejano, pangunahing balakin ng Magdalo na isulong ang kapakanan ng mga dating sundalo at ng kanilang pa­milya sa pamamagitan ng pagtutulak ng mga panukalang batas na kikilala sa mga sakripisyo at serbisyo na binigay nila para sa bansa.

Ang iba pang nominado ng Magdalo ay ang national spokesman at secretary general na si Francisco Ashley Acedillo at si ex-Navy Lieutenant Manuel Cabochan.

 

Show comments