MANILA, Philippines - Napatay ng mga pulis sa isang gun running battle ang dalawang lalaÂking holdaper na sakay ng isang motorsiklo kahapon ng madaling-araw sa Taytay, Rizal.
Ang dalawang napatay na suspek ay nakilala sa pamamagitan ng mga ID na nakuha sa kanila na sina Eric Santos, 32 ng Blk. 39, Sitio Damayan, Floodway,
Brgy. San Juan, Taytay at Terensfel Argabio, 26 ng Brgy. Dalig, Antipolo City.
Batay sa ulat, bago nangÂyari ang barilan daÂkong ala-1:00 ng madaÂling-araw sa Tapayan Road, Barangay San Juan, Taytay, Rizal ay hinoldap muna ng mga suspek ang daÂlawang vendor na sina Helen Paular, 49 at FeliciaÂno Cesar, kapwa reÂsidente ng Durian St., SigÂnal Village, Taguig City.
Pagkakuha sa kanilang pera ay agad humingi ng tulong sa Taytay police ang dalawang biktima na mabilis naman niresÂpondehan at tinugis ang mga suspek na sakay ng motorsiklo.
Nang makorner at sa halip na sumuko ay bumunot umano ang mga suspek ng baril at pinapuÂtukan ang mga pulis. Gumanti naman ng putok ang pulis na nagresulta ng pagkamatay ng dalawa.