Coal plant project balak itayo sa Subic

MANILA, Philippines - Binabalak umanong itayo ng isang kumpanya ang 600mw coal plant na tinututulan ng mga residente at grupong pangkapaligiran sa Subic, Zambales, subalit  ito umano ay suportado ni Mayor Jhay Khonghun

Ayon kay Myrna Cruz, residente ng Subic, nabisto ang suporta ng mga Khongkun sa nasabing kumpanya nang maghakot umano ang ito ng libu-libong residente ng Subic sa publikong pagdinig tungkol sa coal plant na kung saan ay umamin umano ang mga dumalo na binayaran sila para sumali sa pagdinig.

Sinabi naman ng Kasangga, isang grupong environmental na tutol sila sa proyekto, subalit anya natutukso ang mga politiko dahil nalalapit na ang halalan at kailangan nila ng pondo.

Show comments