MANILA, Philippines - Sinabi kahapon ni Interior and Local Government Secretary Mar Roxas na may nakita siyang mali sa ginawang paglatag ng checkpoint ng mga sundalo at pulis sa Maharlika highway, Brgy. Lumutan, Atimonan, Quezon na nagresulta ng barilan noong Enero 6 na ikinasawi ng 13 katao.
Ang barilan ng mga nasawi at ang pinagsamang tropa ng mga sundalo at pulis ay pinagdudahan din ng publiko matapos apat sa mga nasawi ay mga alagad ng batas.
Ayon pa kay Roxas, ang ‘legitimacy’ ng police opeÂration ay nabahiran ng pagdududa makaraang lumutang ang inisyal na motibo ng barilan ng maÂkabilang panig ay hinggil sa jueteng operations.
Nabatid na si Victorino Siman, isa sa mga nasawi at Supt. Hansel Marantan, na nasugatan ay siyang nagbigay sa Quezon Police tungkol umano sa private armed group, ay magkariÂbal sa jueteng opeÂrations.
Ipinunto rin ni Roxas hindi umano sinunod ng mga pulis na nagsagawa ng checkpoint ang kanilang sariling protocol na dapat ay unipormado lahat kung magsasagawa ng police checkpoint sa isang lugar at wala rin umanong inilagay na visiÂble na signage at marked PNP vehicle maÂliban sa hepe ng Atimonan Police at hindi rin dapat sumama sa checkpoint ang grupo ni Marantan dahilan intelligence monitoring ang trabaho ng mga ito.
Nabatid din ni Roxas mula sa inisyal na ulat ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) na karamihan sa mga basyo ng bala na nakuha sa kinaganapan ng insidente ay mula sa baril ng mga pulis at militar na nagsagawa ng checkpoint.
Samantala, nagdududa din si Pangulong Benigno Aquino III sa paunang ulat ng PNP na shootout ang nangyari kaya’t inatasan na niya ang National Bureau of Investigation (NBI) na mag-imbestiga upang mawala na din ang pagdududa ng publiko na magkakaroon ng whitewash sa kaso kung PNP pa din ang mag-iimbestiga kung saan ang involve ay mga pulis din.
Nagpahayag ng pagdududa din ang Pangulo sa paunang report na ‘shootout’ ang nangyari sa Atimonan, Quezon habang nadaragdagan ang detalye ng mga ulat kaugnay sa insidente.
Kabilang sa 13 nasawi ay ang kamag-anak ni Agriculture Sec. Proceso Alcala na si Tirso Lontok na isang environmentalist at political leader ng LiÂberal Party sa Quezon.
Siniguro din ng PaÂngulo na lilitaw ang kaÂtoÂtohanan sa isinasagawang imbestigasyon ng NBI at makakasuhan at dapat maparusahan ang sinumang mapapatunaÂyang lumabag sa batas.