^

Police Metro

Mar: May mali sa police checkpoint!

Mer Layson, Ricky Tulipat at Rudy Andal - Pang-masa

MANILA, Philippines - Sinabi kahapon ni Interior and Local Government Secretary Mar Roxas na may nakita siyang mali sa ginawang paglatag ng checkpoint ng mga sundalo at pulis sa Maharlika highway, Brgy. Lumutan, Atimonan, Quezon na nagresulta ng barilan noong Enero 6 na ikinasawi ng 13 katao.

Ang barilan ng mga nasawi at ang pinagsamang tropa ng mga sundalo at  pulis ay pinagdudahan din ng publiko matapos apat sa mga nasawi ay mga alagad ng batas.

Ayon pa kay Roxas, ang ‘legitimacy’ ng police ope­ration ay nabahiran ng pagdududa makaraang lumutang ang inisyal na motibo ng barilan ng ma­kabilang panig ay hinggil sa jueteng operations.

Nabatid na si Victorino Siman, isa sa mga nasawi at  Supt. Hansel Marantan, na nasugatan ay siyang nagbigay sa Quezon Police tungkol umano sa private armed group, ay magkari­bal sa jueteng ope­rations.

Ipinunto rin ni Roxas  hindi umano sinunod ng mga pulis na nagsagawa ng checkpoint ang kanilang sariling protocol na dapat ay unipormado lahat kung magsasagawa ng police checkpoint sa isang lugar at wala rin umanong inilagay na visi­ble na signage at marked PNP vehicle ma­liban  sa hepe ng Atimonan Police at hindi rin dapat sumama sa checkpoint ang grupo ni Marantan dahilan intelligence monitoring ang trabaho ng mga ito.

Nabatid din ni Roxas mula sa inisyal na ulat ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) na karamihan sa mga basyo ng bala na nakuha sa kinaganapan ng insidente ay mula sa baril ng mga pulis at militar na nagsagawa ng checkpoint.

Samantala, nagdududa din si Pangulong Benigno Aquino III sa paunang ulat ng PNP na shootout ang nangyari kaya’t inatasan na niya ang National Bureau of Investigation (NBI) na mag-imbestiga upang mawala na din ang pagdududa ng publiko na magkakaroon ng whitewash sa kaso kung PNP pa din ang mag-iimbestiga kung saan ang involve ay mga pulis din.

Nagpahayag ng pagdududa din ang Pangulo sa paunang report na ‘shootout’ ang nangyari sa Atimonan, Quezon habang nadaragdagan ang detalye ng mga ulat kaugnay sa insidente.

Kabilang sa 13 nasawi ay ang kamag-anak ni Agriculture Sec. Proceso Alcala na si Tirso Lontok na isang environmentalist at political leader ng Li­beral Party sa Quezon.

Siniguro din ng Pa­ngulo na lilitaw ang ka­to­tohanan sa isinasagawang imbestigasyon ng NBI at makakasuhan at dapat maparusahan ang sinumang mapapatuna­yang lumabag sa batas.

 

AGRICULTURE SEC

ATIMONAN

ATIMONAN POLICE

DIN

HANSEL MARANTAN

QUEZON

ROXAS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with