Gun Control Law suportado ng pangulo
MANILA, Philippines - Suportado ng Pangulong Benigno Aquino III ang mahigpit na pagpapatupad ng gun control law kaysa sa panawagan na total gun ban.
Ayon kay Presidential Spokesman Edwin LacierÂda, pinag-aaralan ni PanguÂlong Aquino ang lahat ng paÂnukala pero mas nais muna nitong mahigpit na ipaÂtupad ang gun control law.
Ilang sector at mambabatas ang nanawagan kay Pangulong Aquino para sa total gun ban tulad ni Sen. Loren Legarda pero para naman kay Sen. Tito Sotto ay mahigpit na pagpapatupad ng gun control ang kailangan matapos ang nangyaring pamamaril sa Kawit, Cavite at walang pakundangan na pagpapaputok ng baril ng ilang individual sa pagsalubong sa bagong taon.
Lantad naman sa publiÂko ang pagiging ‘gun lover’ ng Pangulo pero una ng sinabi ng Palasyo na huwag kaagad husgahan ang PaÂngulo dahil naipakita nito sa maraming pagkakataon na mali ang iniisip ng kanyang kritiko.
May mga nagsasabi kasi na hindi susuportahan ng Pangulo ang total gun ban dahil sa isa itong ‘shooter’ at gun lover.
Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, maraming nagsasabi noon na hindi susuportahan ng Pangulo ang Sin Tax reform bill dahil smoker ito pero sinerÂtipikahan pa ni PNoy na urgent ang bill hanggang sa lagdaan niya noong nakaraang buwan at naging batas.
- Latest