MANILA, Philippines - Kumakalat ngayon sa iba’t ibang ‘social networking site’ tulad ng Youtube at Facebook ang video ng isang sinasabing dean-professor ng isang kolehiyo sa Pasay City na huling-huli ng camera na nananakit ng babae niyang estudyante.
Unang kumalat sa Youtube ang video ng isang matandang lalaki nakasuot ng rosas na “long sleeved shirt†nitong Enero 6 na i-pinost ni Youtube user “anname macayanâ€. Sa naturang video, iniinspeksyon ng naturang lalaki na sinasabing propersor at dean ng Montessori College sa Pasay City nang bilutin niya ang mga papel at iniumang na ihahampas sa isang estudyante. Lumabas ito ng kuwarto at kinompronta ang isang babae na nakasuot ng dilaw na blouse at biglang ibinalibag ang hawak na mga papel. Hindi pa nakuntento, itinulak at binatukan pa ng lalaki ang nakababatang babae.
Pumagitna naman at umawat ang ilang babaeng estudÂyante na nakasuot ng rosas na uniporme kaya umatras ang propesor. Ngunit humabol pa ito nag-amba ng suntok at binuhat ang isang monoblock na silya at akmang ihahampas sa kanyang biktima. Habang sinusulat ito, umabot na sa 23,233 ang views ng naturang video habang nasa 3,907 na ang shares nito sa Facebook. Karamihan naman sa reaksyon ng mga social media users ay galit sa naturang propesor.