MANILA, Philippines - Sinibak sa serbisyo ang tatlong pulis na sinasaÂbing nagsisilbing ‘batik’ sa hanay ng Philippine National Police (PNP).
Kinilala ni National Capital Regional Police Office (NCRPO) Director Leonardo Espina ang tatlong pulis na sina PO1 Jason Tiamson at PO1 Tristan Mariz Gutierez, kapwa nahaharap sa kasong robbery extortion at PO1 Ablason Gabriente, nahaharap sa kasong “infedility in the custody of prisonerâ€.
Ayon sa NCRPO, iniÂreklamo sina PO1s TiamÂson at Gutierez ng Koreanong si Kim Byung Woo noong Hulyo 19, 2012 nang pasukin umano ng mga ito ang kanyang bahay at hanapan siya ng “business/license permit†sa kanyang negosyo. Nang walang maipakita, hiningan umano siya ng mga pulis ng P20,000.
Tanging P6,000 lamang ang naibigay ni Woo kaya pinuwersa umano siya ng mga pulis na mag-withdraw sa kanyang ATM account ng karagdagang pera. Bukod sa salapi, tinangay pa umano ng mga pulis ang kanyang Olympus camera at Rayban sunglasses.
Si PO1 Gabriente ay sinibak naman dahil nakatasan siya ng presong kanyang binabantayan na kinilalang si Jenny Lazaro noong Abril 26, 2009.