MANILA, Philippines - Tukoy na umano ng Department of Justice (DOJ) ang suspek na nagpaputok ng baril noong pagsalubong sa Bagong Taon na nakaÂpatay sa 7-anyos na si SteÂphanie Nicole Ella sa CaÂloocan City.
Ayon kay De Lima, hindi muna maaaring ibunÂyag ang pangalan ng nasabing suspek dahil naÂkiÂkiusap aniya ang National Bureau of Investigation (NBI).
Sinabi ni De Lima, sa loob ng linggong ito ay mahuhuli na ang naturang salarin na nagmamay-ari ng baril na nakapatay kay Stephanie Nicole.
Anang kalihim, sa ngayon ay iniimbestigaÂhan pa ng NBI kung ang suspek na kanilang natukoy ay tutugma rin sa reÂsulta ng awtopsiya ng NBI.
Kinumpirma din ni De Lima na mayroon na ring testimonya ang testigo na positibong nagtuturo sa salarin.
Samantala, sa halip na tulungan at kaawaan ay piÂnagbabantaan pa ang paÂmilya ni Nicole.
Ayon sa tiyuhin ni Nicole na si Marvin Ella, noong Linggo ng gabi ay may dalawang hindi kilaÂlang lalaki ang bumaba sa motorsiklo at dumiretso sa lamay ng kanyang pamangkin.
Bago umano umalis ay sinabihan sila ng isa sa mga lalaki na mag-ingat sila saka sumakay sa moÂtorsiklo na walang mga plaka.
Dahil sa natanggap na pagbabanta ay umapela sa pulisya ang pamilya Ella na bigyan sila ng proteksyon para sa kanilang seguridad.
Muling nanawagan ang ama ni Nicole na si Jay sa kanyang mga kapitbahay na tumulong at huwag matakot na tumestigo para malutas ang kaso ng kanyang anak.