^

Police Metro

Binaril sa mukha ng 2 barangay tanod… kelot sinundo para i-salvage

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nagmistulang sugo ni Kamatayan ang isang magtiyuhin na barangay tanod matapos na sunduin nila ang isang 23-anyos na la­laki sa bahay nito at pagkatapos ng ilang minuto ay pinagbabaril nila at iniwang wala nang buhay kahapon ng madaling-araw sa Tondo, Maynila.

Ang biktima na may tama ng bala sa mukha na natagpuang nakabulagta ay nakilalang si Jonathan Caludio, residente ng no.1320, B-32, C.P. Garcia St. Moriones, Tondo.

Ang dalawang suspek na magtiyuhin na kapwa barangay tanod at pinaghahanap ng pulis­ya ay nakilalang sina Rey­nal­do Solvero, 45, alyas “Rene”, ng Barangay 23, Zone 9 at pamangkin nitong si Joseph, 33, alyas “Toto” at kapwa residen­te ng C.P. Garcia St., Moriones, Tondo.

Sa pahayag ng ama ng biktima na si Mang Jose, dakong alas-3:00 ng madaling araw nang  sunduin ang anak ng mga suspek sa kanilang bahay para dalhin sa barangay hall.

Hindi sana sasama ang kanyang anak sa mga suspek, subalit sinabi dito na kakausapin lang sandali kaya’t sumama na ito.

Ilang minuto ang nakakalipas ay nakarinig ng putok ng baril ang ama na ikinabahala nito kung kaya’t lumabas ito ng bahay.

Paglabas ng bahay ay sinabi sa kanya ng mga kapitbahay na du­gu­ang nakabulagta ang anak.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa motibo sa pamamaslang sa biktima.

vuukle comment

GARCIA ST.

GARCIA ST. MORIONES

ILANG

JONATHAN CALUDIO

KAMATAYAN

MANG JOSE

MAYNILA

NAGMISTULANG

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with