MANILA, Philippines - Bumagsak sa karagaÂtan na nasasakupan ng Sitio Tacdungan,Ticao Island, San Jacinto, lalawigan ng Masbate ang isang unmanned aerial veÂhicle o spy plane na pag-aari ng Estados Unidos.
Nabatid na ang nasabing eroplano ay narekober ng mga mangingisdang sina Jolly Llacer at Ricky Cantoria habang palutang-lutang sa karagatan bandang alas-9:15 ng umaga.
Ayon kay Masbate Provincial Police Office (PPO) Director Sr. Supt. Iriberto Olitiquit na bumagsak ang US Drone unmanned aerial plane sa bahagi ng natuÂrang kaÂragatan na noong una ay inakala nilang isang uri ng bomba.
Nagresponde ang mga operatiba ng Explosives and Ordinance Team (EOD) team ng San Jacinto, Masbate Police at pagkatapos na masuri ay napatunayan na isang US made Dronean Unmanned Aerial Vehicle o spy plane.
Ilang markings pa ang nakita sa nagkapira-pirasong bahagi ng Drone tulad ng aerial target drone, BQM-74 E Chuckar III, part no. 89500-517, moÂdel No. BQM 74 E, cage no. 77646, habang 12 talampakan at 11 inches (3.94 M), wingspan na limang talampakan at 9 inches, taas na 2 talampaÂkan at iba pa.