MANILA, Philippines - Matapos sermunan at talakan ni miÂsis dahil sa hindi nito pag-iintrega ng kanyang suweldo, kaya nagbigti ang isang mister sa loob ng kanilang kuwarto sa Tondo, Maynila, kahapon ng madaling-araw.
Tinatayang nasa tatlong oras ng patay bago nadiskubre ang biktimang si Renato Luna, 35, ng #856 Area A, Parola Compound, Gate 3, Tondo, MayÂnila.
Ayon kay PO3 Jonathan Bautista ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-8:10 ng umaga nang makitang nakabitin at walang buhay ang biktima sa loob ng kanilang kuwarto.
Hindi umano agad napansin ng misis nitong si Catherine, 30, ang ginaÂwang pagpapakamatay ng kanyang mister dahil abala siyang tapusin ang kanilang labada.
Bago ang pagbibigti, dakong alas-2:30 ng madaling-araw nang magtalo umano ang mag-asawa dahil hinanap ni misis ang suweldo ng kanyang mister dahil wala itong ininÂtrega.
Nadagdagan pa umano ang galit ni Catherine sa kanyang mister nang buweltahan ng tanong ng biktima na “bakit nagdududa ka ba sa akin?â€
Dahil doon ay hindi umano napigil ang pagbubunganga ni Catherine kaya minabuti ng kanyang mister na umiwas at nagtungo sa isang bakanteng lote malapit sa kanilang bahay at uminom ng serbesa.
Matapos uminom ay umuwi ang biktima at nagkulong sa kanilang kuÂwarto habang si CatheÂrine ay ipinagpatuloy ang paglalabada ng kanilang damit.
Ganap na alas-8:10 ng umaga nang puntahan ni Catherine ang kanyang mister sa kanilang kuwarto ngunit tumambad sa kanya ang nakabiting biktima sa kanilang kisame gamit ang isang nylon cord at wala nang buhay.