P-Noy pangungunahan ang pagbubukas ng bicentennial museum

MANILA, Philippines - Pangungunaha ni Pa­­ngulong Benigno “Noy­noy” Aquino ang pag­bubukas ng bicentennial museum sa Tandang Sora National Shrine sa Banlat, QC bilang simbolo ng pagtatapos ng Bicentennial Birth Anniversary ni Melchora “Tandang Sora” Aquino ngayong araw.

Tampok sa shrine ang sculpture ng renowned visual artists na si Abdulmari Imao, TOYM Leon Imao at Frederic Caedo na nagsasalarawan ng bawat yugto ng buhay ni Tandang Sora.

Ang shrine ay nai­deklarang National Shrine ng  National Historical Commission of the Philippines noong Ene­ro  24, 2012.

Ang Bicentennial Museum ay kapapalooban ng lahat ng  cultural works na likha ng mga mag aaral at  artists  mula sa QC  bilang  pagpupugay kay Tandang Sora.

Show comments