MANILA, Philippines - Ipinag-utos kahapon ng Malacañang sa Philippine National Police na nakakasakop sa probinsiya ng Cavite na mas paigtingin pa ang kampanya laban sa ilegal na droga.
Ito ang naging pahayag ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte matapos mapaulat na lango sa pinagbabawal na droga ang lalaking walang habas na namaril sa Cavite, na ikinasawasi ng 9 katao kabilang ang isang buntis.
Kasama rin sa pinasisilip ng Malacanang ang ulat na hindi kaagad nakapagresponde ang pulisya sa lugar kung saan inabot pa umano ng 30 minuto bago may dumating na mga pulis at doon na napatay ang suspek.
Ipinunto ni Valte na sa Metro Manila ay ipinatutupad ni National Capital Region Police Office (NCRPO) General Leonardo Espina ang “two-minute response ruleâ€.
Isinantabi rin ni Valte ang isyu ng pulitika na dahilan umano kung bakit natagalan ang pag-responde ng mga pulis dahil hindi miyembro ng Liberal Party ang kasalukuyang gobernador na si Juanito Victor Remulla.