Ama dedbol sa burol ng anak

MANILA, Philippines - Sa mismong burol ng anak binaril at napatay ang isang 50-anyos na ama naganap kahapon ng madaling araw sa Port Area, Maynila.

Ang nasawi dahil sa tama ng bala sa likod at kanang braso ay nakilalang si Froilan Magallanes, ng no. 231 Block 1, Aplaya St., Baseco Compound, Port Area.

Nasugatan naman sina Rosario Rosin, 38; Dolores Socon, 64; Leonora Briones, 42 at Nobelito Briones, 45, pawang residente sa Aplaya St. sa Baseco Compound na nandoon  sa lamayan.

Batay sa ulat, dakong alas-12:45 ng madaling-araw  nang maganap ang insidente sa lamay ng stepson ng biktima na si Junior Felix Villanueva at dito ay  nakikipaglaro siya ng tong-its kina Ro­sin at Socon nang biglang dumating ang hindi nakilalang lalaki  na armado ng kalibre 45 na baril at paulanan sila ng bala.

Hindi pa matukoy ang motibo ng krimen ng hindi pa nakikilalang suspek na pinaniniwalaang ang target lang ay si Magallanes at nadamay lamang ang mga tao na naroon sa lamay.

Show comments