Dumalo sa salu-salo noong Bagong Taon… Youth for Christ lider ni-rape slay

MANILA, Philippines - Isang 19-anyos na lider ng Youth for Christ (YFC) na pinaniniwalaang hinalay muna bago pinaslang ang natagpuang hubo’t hubad sa isang bakanteng lote sa Brgy. Sta Cruz, Sta. Rosa City, Laguna.

Ang biktima na laslas ang leeg ay kinilalang si Riza Baybay na nagtamo rin ng mga mga gasgas at pasa sa katawan at may mga saksak din sa hita.

Batay sa ulat, bandang alas-9:00 ng umaga noong Miyerkules nang madiskubre ang duguang hubo’t hubad na bangkay ng biktima sa madamong bahagi ng bakanteng lote sa lugar.

Bago ang pagkakatagpo nang bangkay ng biktima ay unang iniulat ng lola ng biktima na si Ursula Baybay ang  hindi pag-uwi ng apo matapos magpaalam na magpupunta sa isang kaibigan para dumalo sa isang salu-salo sa Bagong Taon.

Isasailalim pa rin sa otopsiya ang bangkay ng biktima para madetermi­na kung hinalay ito bagaman may mga indikasyon dahilan hubo’t hubad ito nang matagpuan sa crime scene at posible rin umanong mga bangag sa droga ang gumawa ng kri­men.

Show comments