MANILA, Philippines - Kamatayan ang iginanti ng isang katutubong Aeta sa isang binata na matagal na nitong kaaway matapos na pagtatagain sa leeg naganap kamakalawa sa Nueva Valencia, Guimaras.
Halos lumaylay ang leeg at namatay noon din ang biktimang si Michael Gaquit, 28, residente ng Sitio Tuyo, Brgy. Poblacion ng bayang ito.
Arestado naman ang suspek na kinilalang si Yunisio Palacios, 40, residente ng Calinog, Iloilo na dumarayo lamang sa lugar. Sa imbestigasyon, bago naganap ang krimen dakong ala-1:00 ng hapon sa Sitio Tuyo, Brgy. Poblacion, Nueva Valencia ay nakipag-inuman ang suspek sa ilang mga kalalakihan sa nasabing lugar.
Nang dumaan ang biktima na matagal na kaaway ng suspek ay sinundan ito at nang makatiyempo ay bigla na lamang pinagtataga sa leeg na siya nitong ikinasawi.