Mister inagawan ng asawa, binantaang papatayin

MANILA, Philippines - Nagsampa ng reklamo sa pulisya ang biktimang si Rico Bernardo, 42, buil­ding maintenance, ng 1705 President Quirino Avenue, Pandacan, Maynila laban sa isang Joseph Delmonte na tumangay sa kanyang misis at nagbanta na siya ay papatayin kung kukunin niya ang asawa.

Batay sa reklamo ni Bernardo, dakong alas-2:30 ng hapon noong Disyembre 27 ay umalis ang kanyang misis na si Marilyn kasama ang isang Lilian Lugo at hindi na  ito umuwi ng bahay.

Isang kaibigan ni Rico ang nakapagsasabi na itina­nan umano ni Del­monte, na kapatid ni Lugo ang kanyang misis at hindi umano ito pinapayagang umalis para balikan ang pamilya.

May banta pa umano si Delmonte na uubusing patayin ang kaniyang pa­milya kung siya ay iiwan.

 

Show comments