Mga kinumpiskang paputok ng mga pulis ginamit sa pagsalubong sa Bagong Taon
MANILA, Philippines - Isang ulat na nakarating kay Philippine National Police (PNP) Chief Director General Alan Purisima na ilang pulis na nanghuli ng mga paputok sa mga vendors ang siya umanong gumamit para ang mga ito ay paputukin sa pagsalubong sa Bagong Taon.
Kaya naman ay agad na pinaiimbestigahan ni Purisima ang napaulat dahil ilang opisyal pa ng pulis ang nagsindi ng mga nakumpiskang paputok sa pagsalubong sa Bagong Taon.
“I have ordered the identification of some of our police personnel and officer allegedly involved in lighting the seized firecrackers,” ani Purisima.
Sinabi ni Purisima na sinumang pulis na mapatunayang guilty ay isasalang sa summary dismissal sa kasong administratibo at madi-dismis sa serbisyo.
Samantalang nakikipagkoordinasyon na rin si Purisima sa ilang media network na maaring nakakuha ng footage sa mga pulis na nagpapaputok ng mga nasamsam na paputok at pyrotechnics sa mga vendors.
Una nang ipinag-utos ni Purisima ang malawakang crackdown kontra bawal na paputok upang maiwasang makapinsala at makasugat lalo na ng mga inosenteng sibilyan.
- Latest