Asset ng pulis inutas

MANILA, Philippines - Pinagbabaril ng ri­ding in tandem ang isang itinuturong police asset kamakalawa sa Brgy. Anibongan, Lianga, Surigao del Sur kamakalawa.

Namatay noon din ang biktimang si Edwin Ferrer, 49 anyos  ng Barobo, Surigao del Sur dahil sa mga tinamong tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Batay sa ulat ng pulis­ya, dakong ala-1:00 ng hapon ay sakay ang biktima ng kanyang motorsiklo nang harangin ng mga suspek na nakamotorsiklo sa bisinidad ng nasabing lugar at  agad na pinaputukan sa ulo at katawan.

Mabilis na nagsitakas ang mga salarin matapos na mapatay ang biktima.

Show comments