20 na ang patay kay Quinta

MANILA, Philippines - Iniulat kahapon ng pamunuan National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na lumobo na sa bilang na 20 ang mga nasawi sa bagyong Quinta habang ang nasirang ari-arian ay uma­bot na sa P224.915 milyon.

Ayon sa NDRRMC, ang huling biktima ay mula sa Western Visayas at kinilala ang mga ito na sina Benedicto Castor, 72; Jezel Superio, 2; Nilo Icawalo, 54, Romeo Idorita, 63; Jaymar Egamino, 16; Joel Jimenea, 37; Edwin Farinas, 46; at Osot Sabdane, 40.

Umabot sa 50,291 pamilya o 241,693 na indivi­dual sa may 557 barangay sa 60 bayan at walong si­yudad sa siyam na probinsya ang naapektuhan ni Quinta.

Kabuuan pang 4,290 pamilya o 23,337 tao ang nananatili sa 60 evacuation centers.

Show comments