13 na ang todas kay Quinta

MANILA, Philippine s- Umabot na sa 13 katao ang nasawi sa bagyong Quinta habang dalawa pa ang nawawala.

Batay sa report ni Na­tional Disaster Risk Re­duction and Management Council (NDRRMC)  Exe­cutive Director Benito Ramos karamihan sa mga nasawi ay mula sa Western at Eastern Visayas kabilang ang lima sa Iloilo, apat sa Samar at tig-isa sa Capiz at Leyte.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Wartlito Lutero, 50 ng Janiuay, Iloilo;  Mark Angelo Bayutas, 18; ng Barotac Nuevo, Iloilo; Jonaire Deret­so, 33, ng Binangawan, Iloilo; Erlinda Almirante, 60; ng Janiuay, Iloilo; KC Loza­da, 4; ng Lambunao, Iloilo, Franklin Fadriga, 34; ng Dumalag, Capiz; Rodrigo Busa, 56, Rosita Busa, 50; at Kimjie Busa, 7, pawang ng Brgy. Del Pilar, Maydolong, Eastern Samar; Julio Silvano, 36 ng Merida, Leyte; Joe­liver Casipong, 34 ng Borongan City, Eastern Samar at da­lawang iba pa. Habang dalawa pa ang nawawala na nakilala namang sina Mario Austria, 55-anyos ng Talisay, Batangas at Christian Olivar ng Dumalag, Capiz.

Show comments