^

Police Metro

Caloocan public hospital handa na sa magiging biktima ng paputok

Angie dela Cruz, - Pang-masa

MANILA, Philippines - Handang-handa na ang mga pampublikong pagamutan sa Caloocan City sa mga magiging bik­tima ng paputok at indiscriminate firing sa nalalapit na pagsalubong sa pagpasok ng 2013.

Ito ang tiniyak ni Ca­loocan City Mayor Enrico “Recom” Echiverri dahil  bukod sa mga gamot at kagamitan sa paggamot ay handang-handa na rin ang mga manggagamot na magsakripisyo ng ka­nilang oras sa pananatili sa mga pampublikong pagamutan para lamang makapagsilbi sa mga residenteng mangangaila­ngan ng tulong.

Napag-alaman na bukod sa President Dios­dado Macapagal Memorial Medical Center (PDMMMC) ay magbibigay din ng libreng serbisyo ang Dr. Jose Rodriguez Hospital na matatagpuan sa Tala, Caloocan para sa masasaktan sa pagsalubong sa Bagong Taon.

Nagbabala rin si Mayor Recom sa mga tauhan ng lokal na pulisya na huwag paputukin ang kanilang mga baril sa pagsalubong sa Bagong Taon upang walang masaktan na minsan ay nagiging dahilan din ng pagbubuwis ng buhay.

Sa pamamagitan ng paglalagay ng mas­king tape na may lagda ng ka­nilang opisyal ay malalaman kung sino sa mga tauhan ng lokal na pulis­ya ang nagpaputok ng ka­nilang baril sa pagsalubong sa Bagong Taon.

 

BAGONG TAON

CALOOCAN

CALOOCAN CITY

CITY MAYOR ENRICO

DR. JOSE RODRIGUEZ HOSPITAL

MACAPAGAL MEMORIAL MEDICAL CENTER

MAYOR RECOM

PRESIDENT DIOS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with