Paslit todas sa salpok ng motor

MANILA, Philippines - Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang 4-anyos na si Jasper Gomez ng Brgy. Bonbon, Butuan City matapos itong mabundol ng isang motorsiklo kamakalawa ng hapon sa kahabaan ng national highway ng Brgy. Tubo-Tubo, Cagwait, Surigao del Sur.

Batay sa ulat ni CA­RAGA Police Spokesman Supt. Martin Gamba, bandang alas-3:00  ng hapon ay kasalukuyang buma­bagtas sa lugar ang isang kulay itim na Honda Wave motorcycle na minamaneho ni Mary Maica Jamarie Buladaco, 25-anyos nang bigla na lamang tumawid ang naglalarong biktima.

Sa bilis ng pangyayari ay nabigo si Buladaco na iwasan ang bata kaya’t tuluy-tuloy nitong nabundol at nakaladkad pa ng may ilang metro.

Ang biktima ay idi­nek­larang dead-on-arri­val sa Marihatag District Hospital sa tinamo nitong ma­lubhang mga sugat sa bahagi ng kaniyang ulo at iba pang parte ng ka­tawan.

Nabatid na walang lisensya para magmaneho at hindi rin rehistrado ang  motorsiklong dala ng suspek.

Show comments