Maulan sa Visayas at Mindanao

MANILA, Philippines - Iniulat kahapon ng pamunaun ng Philippine Atmos­pheric Geophysical Astronomical Services Administration (PAGASA) na magiging maulan sa bahagi ng Visayas at Mindanao ngayong Pasko bunsod na rin ng namumuong sama ng panahon, habang ang hanging amihan naman ay patuloy na makaka-apekto sa Luzon.

Ayon kay Weather Forecaster Chris Perez, ang Low Pressure Area (LPA) ay inaasahang papasok sa  Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong araw na ito (Lunes ng umaga). Sinabi ni Perez, maliit lamang ang tsansa ng LPA na maging bagyo, pero patuloy nila itong binabantayan.

Ani Perez, kahit pumasok na ito sa PAR, hindi naman direktang makaka-apekto ito sa bansa. Ang epekto ng LPA ay maaring maramdaman dalawa o tatlong araw makaraang pumasok ito sa teritoryo ng bansa na magdudulot ng kalat-kalat na pag-ulan sa Visayas at Mindanao sa araw ng Pasko.

Samantala, ang Metro Manila, ayon pa kay Perez at nalalabi pang lugar sa bansa ay patuloy na makakaranas ng mainit hanggang sa maulap na papawirin na posibleng magdulot ng mahinang pag-ulan lalo na sa hapon o gabi bunga ng ‘localized convections’.

Show comments