Lineman nahulog sa poste, todas

MANILA, Philippines - Todas ang isang lineman ng Ilocos Sur Electric Coo­perative (ISECO) matapos aksidenteng mahulog sa poste ng kuryente sa Burgos, Ilocos Sur nitong Biyernes ng umaga.

Kinilala ni SPO1 Flordelino Alconcel, desk officer ng Ilocos Sur Provincial Police Office (PPO) ang biktima na si Paulino Toribio, 32, na residente ng bayan ng Sta. Maria ng lalawigan.

Base sa imbestigasyon, naganap ang insidente sa Brgy. Meycauayan, Burgos  Ilocos Sur bandang alas-10:00 ng umaga.

Kasalukuyang abala sa pagkakabit ng kawad ng kur­yente ang biktima sa taas nang mabali ang lumang poste kaya ito nahulog na una ang kanyang ulo.

Nagawa pang maisugod ang biktima sa Reyes Clinic Hospital pero idineklara na itong dead-on-arrival.

Show comments