^

Police Metro

Coed ni-rape, sinaksak ng 21 ulit

Joy Cantos, Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang 19-anyos na dalagang estudyante ang hinalay at pinagsasaksak ng 21 na beses kamakalawa sa Brgy.Lawaan, Roxas City.

Himalang nakaligtas ang biktima ng Barangay Quinayuya, Dao, Capiz, na kasalukuyang nagpapa­galing sa ospital.

Batay sa ulat ng pulisya, ang biktima ay sumakay sa colorum na tricycle papauwi sa kanyang bahay sa Fuentes Drive na kung saan ay may lalaking nakaangkas sa likod.

Dito ay nagdeklara holdap ang mga suspek at kinuha ang gamit ng biktima at pagkatapos ay kinaladkad sa liblib na lugar saka ginahasa bago pinagsasaksak.

Sa pag-aakalang patay na ang biktima ay tumakas ang mga suspek na sa kalaunan ay natagpuan ang biktima ng isa pang tricycle driver na siyang nagdala sa ospital.

Nagsagawa ng follow-up operation ang mga otoridad at nadakip ang angkas ng tricycle na nakilalang si Jessie dela Cruz, 30, ng Punta Tabuk, Roxas City habang patuloy na pinaghahanap ang driver.

 

vuukle comment

BARANGAY QUINAYUYA

BATAY

BRGY

CAPIZ

CRUZ

DITO

HIMALANG

ISANG

PUNTA TABUK

ROXAS CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with