^

Police Metro

Buntis na manika ‘wag bilhin – DOH

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines - Huwag tangkilikin ang mga buntis na manika na ibinebenta sa mga paleng­ke at online.

Ito ang paalala ni De­partment of Health- Na­tional Capital Region Di­rector Eduardo C. Janairo sa mga magulang dahil sa indikasyon umano ito na ipino-promote ang  teen­age pregnancy at si­rain ang  buhay ng isang  kabataan sa pamamagitan ng  maagang pagbubuntis.

Paliwanag ni  Janairo,  nangyayari ang  emotional development ng isang bata na nasa edad lima hanggang walo kung kaya’t dapat lamang na bigyan sila ng makabuluhang  la­ruan kung saan sila may matututunan.

Sinabi ni Janairo na  ang pregnant doll na bi­nebenta kung saan ay natatanggal ang tiyan ay isang ana­tomical presentation at pagpapakita ng pagluluwal ng  isang sanggol.

 Madali aniyang maimpluwensiyahan ng mga laruan ang mga bata  kung kaya’t dapat na matiyak ng  mga magulang na tamang  nilalaro  ng kanilang mga anak kabilang na ang toy figures, puppets, dolls o stuffed animals. Ang mga buntis na manika ay ipinagbawal na sa Amerika noong 2002  bunsod na rin ng mga rek­lamo.

AMERIKA

CAPITAL REGION DI

EDUARDO C

HUWAG

JANAIRO

MADALI

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with