^

Police Metro

Cafgu dedo sa checkpoint ng NPA rebels

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang miyembro ng Cafgu ang pinagbabaril at napatay sa inilatag na checkpoint ng mga rebel­deng New People’s Army (NPA) kamakalawa ng hapon sa Brgy. Lydia, San Luis, Agusan del Sur.

Kinilala ni Army’s 4th Infantry Division (ID) Spo­kesman Lt. Col. Euge­nio Julio Osias IV, ang na­sawing biktima na si CAFGU Active Auxilia­ry (CAA) Luis Dejado, 19-anyos ng Brgy. Binaca­lan, San Luis ng lalawigang ito.

Batay sa ulat, dakong alas-10:00 ng umaga nang magsagawa ng checkpoint ang may sampung armadong rebeldeng NPA sa nasabing lugar at sa pag­daan ng behikulo ng biktima ay binistay ito ng bala.

“What the NPA did was a clear violation of our 18-days cease-fire agreement”, pahayag naman ni Col. Ronald Albano, Commander ng Army’s 402nd Infantry Brigade.

Magugunita na ang gobyerno ay nagdeklara ng ceasefire noong Dis­yembre 16 ng taong ito na tatagal hanggang Enero 2 ng susunod na taon.

ACTIVE AUXILIA

AGUSAN

BRGY

INFANTRY BRIGADE

INFANTRY DIVISION

JULIO OSIAS

LUIS DEJADO

NEW PEOPLE

RONALD ALBANO

SAN LUIS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with