4 katao tiklo sa mga baril at droga

MANILA, Philippines - Nadakip ng mga otoridad ang apat na katao na nag-iingat ng mga high powered firearms at mga droga sa isinagawang search warrant sa Brgy.Malagasang 2, Imus City, Cavite.

Ang mga suspek ay kinilalang sina Larry Guemo, 44, residente ng Tierra Vista Subdivision, Mala­gasang 2-B; Jimmy Jesse Carpio, 43, may-asawa, tubong Bacolod; Cynthia Lavinia, 41, dalaga, at Henjie Dorilag, 39, ng Blk. 4,-3D P-1 Tierra Nevada Subdivision,Brgy Francisco, General Trias, Cavite.

Nakuha sa mga suspek ang 1 machine gun Berreta; 1 riffle sterling sub-machine gun cal 9mm; 1 Liama pistol cal 45;1 walter pistol cal 40 smith and Wesson revolver assorted magazines para sa SMG, pistol 9mm, cal 45, 357, 9mm cal 22, riffle 5.56 at 30 Garand; magazine vest, pouch, holster at humigit kumulang sa 400 gramo ng shabu at pharapernalias.

Nabatid na tatlong search warrant ang ipina­labas ni Judge Lerio C. Castigador ng 4th Judicial Regional RTC Branch 15, Naic, Cavite para sa violation of PD 1866 (illegal Possesion of Firearms and Ammunitions) as ammended of RA 8294.

Show comments