Magpinsan sinaksak ng kainuman

MANILA, Philippines - Dead-on-the-spot ang isang binata habang nasa kritikal ang pinsan nito matapos na sila ay pagsasaksakin ng kanilang kainuman kahapon ng umaga sa Caloocan City.

Ang nasawi ay nakilalang si Josel Pulga, nasa hustong gulang at  habang kritikal sa East Avenue Medical Center ang pinsan nitong si Ryan kapwa residente ng Camias St., Malaria ng lungsod.       

Ang suspek na tumakas ay nakilalang si Jun Tunero, may sapat na gulang at resi­dente ng lugar.

Sa ulat, da­kong alas-4:30 ng umaga ay magkasamang nag-iinu­man ang magpinsan at suspek  at nang malasing ay nagkaroon ang mga ito ng mainitang pagtatalo sa  hindi  pa mabatid ang dahilan. Dito ay kumuha ng patalim ang suspek at inundayan ng mga saksak ang magpinsan.

Show comments