15 katao nalason sa Youth Summit

MANILA, Philippines - Naratay sa ospital ang 15 katao makaraang malason sa handaan sa ginanap na provincial youth summit sa Provincial Convention Center sa Surigao City kamakalawa ng gabi.

Nilalapatan ng lunas sa Miranda Family Hospital sina Angie Mae Labor, 18, SK Chairwoman ng Alegria, Surigao de Norte; Jefford Bantilan, 28; Siegfred Olojan, 19, SK Chairman ng Brgy. Fabio, Taganaan, Surigao del Norte.

Labingdalawa pa sa mga biktima ay gi­na­ga­mot sa Surigao Me­dical Center na kinilalang sina Dante Caerlang, 25; Archie Biong, 20; Boyet Aquino, 30; Yu­meralyn Opelinia, 18; Jessa Mamado, 20; Marjo­rie Grace Mosquito, 18; Rey­nald  Bayon, 20; Jovit Aclo, 20; Vicente Villamon, 32; pawang ng Surigao del Norte; Loreto Jamesula, 28; Marlon Galos, 22  at Herjohn Mantilla, 19.

Sa ulat, bandang alas-8:30 ng gabi ng isa-isang isinugod sa pagamutan ang mga biktima matapos ang mga itong dumaing ng pa­nanakit ng tiyan, pagsusuka, pagdudumi, matinding pagkahilo at pananakit ng ulo ang mga biktima ilang oras matapos makakain ng “packed lunch” na binili sa isang kilalang fastfood chain sa pagdalo ng mga ito sa  youth summit na ginanap sa Provincial Convention Center sa Surigao City.

Kasalukuyan ng isina­ilalim sa laboratory examination at diagnosis ng mga doktor ang sample ng pagkain sa handaan na kinain ng mga biktima upang mabatid kung ito ang nakalason sa mga ito at gayundin ang sample ng tubig sa Provincial Con­ven­tion Center.

Show comments