MANILA, Philippines - Isang 31-anyos na lalaki na nagmamaneho ng tricycle ang nasawi habang ginagamot sa Divine Grace Medical Center matapos itong mabundol ng isang motorsiklo nang mag-overtake sa kahabaan ng Bacao, EPZA Diversion Road Barangay Tejero, General Trias, Cavite.
Ang biktima ay nakilalang si Brian Leguid, private employee, tubong Butuan City at residente ng Quirino Avenue, Tambo, Parañaque City.
Naaresto ang suspek na si Sherwin Buena, 32, may-asawa, technician, at residente ng Lot 10, Block 17, Phase 2, Pamayanang Maliksi, Brgy. Pasong Kawayan 2.
Batay sa ulat, dakong alas-6:45 ng gabi ay minamaneho ng suspek ang kanyang Honda motorcycle (2603-TC) na kulay pula nang mag-overtake ito sa isang sasakyan sa pakurbang daan at sinakop ang linya ng tricycle ng biktima (7674-NL) at nasalpok ito
Sa lakas ng pagkakabundol ay humagis ang biktima at nagtamo ng bali ng leeg.