Binoga habang nagmamadyong… MMDA enforcer todas sa resbak
MANILA, Philippines - Pinagbabaril ang isang dating pulis na ngayon ay miyembro ng Metro Manila Development Authority (MMDA) Traffic Enforcer ng isang seaman na rumesbak dahil sa pagkamatay ng kapatid nito kamakalawa ng gabi sa Tondo, Maynila.
Namatay noon din ang biktimang si Arnold Reno, residente ng no. 225 Paraiso Extension, Magsaysay Village, Tondo, sanhi ng tama ng bala sa katawan.
Agad nadakip ang suspek na si Romeo Hernandez, 30, may-asawa, seaman ng no. 199 Sili Ally Velasquez St., Tondo.
Batay sa ulat, bago naganap ang pamamaril sa biktima dakong alas-8:00 ng gabi sa loob ng compound sa no. 33 Trinidad St., Block 2, Tondo, Maynila ay naglalaro umano ng mahjong kasama ang mga kaibigan.
Dito ay dumating ang suspek at walang sabi-sabing pinagbabaril ang biktima.
Nang bumagsak ang biktima ay muli pa itong pinagbabaril na naging sanhi ng agaran nitong kamatayan.
Nagsagawa ng follow-up operation ang otoridad at pagkatapos ng ilang oras ay nadakip ang suspek matapos na ituro siya ng anak nitong 9-anyos na nakakita na may sukbit itong baril.
Ayon sa pulisya, na paghihiganti ang motibo ng suspek sa pagpatay sa biktima dahil ang kaibigan nito ang pumatay sa kapatid ng suspek.
- Latest