Kapag hindi sumuporta sa RH bill…LP congressman paparusahan

MANILA, Philippines - Ang sino mang Liberal Party (LP) Congressman na hindi susuporta sa Repro­ductive Health (RH) bill ay posibleng umanong parusahan ng pangulong Noynoy Aquino.

Ayon kay House Majo­rity leader Neptali Gonzales II, ang Pangulo at mataas na opisyal ng LP ang siyang nagsertipika bilang  urgent ang nasabing panu­kalang batas kaya umano nanga­ngahulugan na ito ang kanilang party stand.

Iginiit ni Gonzales, ang  LP ay mayroong 92 mi­yembro sa Kamara at sa ka­nilang party stand ay ma­hirap umanong salungatin ito kayat ang sinumang lilihis dito ay posibleng ma­pa­tawan ng parusa.

Sa 92 miyembro umano ng LP sa Kamara ay 23 hanggang 26 dito ang hindi pabor sa RH bill.

Tiwala naman si Gonzales na ang mahigit sa 20 LP members ay mababago pa ang pananaw pagdating ng botohan sa plenaryo.

Gayunman, hindi masabi ni Gonzales kung ano ang kakaharaping parusa ng mga hindi susunod sa kanilang party stand at sa halip ay haharapin na lamang umano ito ng liderato pagdating ng tamang panahon

“As far as the LP is concerned, it’s about time na sumoporta tayo sa position ng partido,”giit pa ni Gonzales.

 

Show comments