FOI Bill sa 2013 na pagdebatihan

MANILA, Philippines - Sa susunod na taon o sa 2013 na pagdedebatihan sa Kamara ang kontrobersiyal na Freedom of Information (FOI) bill.

Ayon kay  House Majo­rity leader Neptali Gonzales, kapos na ang panahon at hindi pa niya natatanggap ang committee report na dapat ay may lagda ni Eastern Samar Rep. Ben Evardone na chairman ng House Committee on Public Information. 

Dahil noong Miyerkules lamang umano dumating si Evardone buhat sa Estados Unidos kaya nga­yong Lunes na umano ito maisumite sa kanya.

Paliwanag ni Gonzales  tiyak na hindi matatalakay ngayon ang FOI dahil tatapusin nila ang RH bill na kakain umano ng mara­ming oras.

Bagamat gusto na uma­nong maideliver ni Evardone bukas (Martes) ang sponsorship speech ay dapat pa rin silang tumutok sa RH bill.

Hindi rin umano kampante si Gonzales sa dami ng nakalinyang gustong mag­tanong kayat sa susu­nod na taon na lamang pagdedebatihan ang FOI bill.

 

Show comments