Sa jueteng issue… Gov. Espino ipinagtanggol ng analyst

MANILA, Philippines - Ipinagtanggol ng political analyst at mga propesor sa University of the Philippines (UP) si Pangasinan Gov. Amado Espino hinggil sa akusasyon sa kanya ni Bugallon, Pangasinan Mayor Rodrigo Orduna na pro­tector umano ng jueteng sa lalawigan ang goberna­dor.

Sinabi ni Dr. Perla Legaspi, Director ng Unversity of the Philippines for Local and Regional Gover­nance at dating UP vice chancellor, politically motivated at kuwestiyunable umano ang timing ng expose ni Orduna.

Ayon kay Dr. Legaspi, bakit ngayon lamang lumabas si Mayor Orduna para ihayag ang umano’y kanyang nalalaman sa jueteng operation sa Pangasinan.

“Obvious na obvious na politika lang talaga ang layunin ay sirain ang imahe ni Espino dahil balita ko malakas ang incumbent governor doon,” pahayag ni Legaspi.

Iginiit naman ng pamu­nuan ng National Peoples Coalition (NPC), hinaharas umano ng administrasyong Aquino ang ‘manok’ nila sa Pangasinan.

Inihayag ni NPC Pangasinan Chairman Cong. Mark Cojuangco, itinaon umano ang expose matapos lumabas sa survey na lalampasuhin ni Espino sa pagka-gobernador ang kandidato ng Liberal Party sa naturang puwesto na si Alaminos Mayor Hernani Braganza.

Show comments