Pagbaha at landslides, banta sa Bicol

MANILA, Philippines - Patuloy na nagbabanta sa Bicol region ang posibleng pagkakaroon ng matinding pagbaha at pagguho ng lupa bunsod ng manaka-nakang malakas na pag-ulan na nararanasan sa lugar.

Binabalaan ng pamu­nuan ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang mga taga Bicol na maging alerto sa ‘tail-end of the cold front’ na nararanasan sa Bicol region.

Bukod sa Bicol ay nakakaranasan din ng malalakas na pag-ulan ang Soccsksargen at Samar na posibleng magdudulot ng flash floods at landslides.

Ayon sa  PAGASA  ma­ka­karanas din  ng mahinang mga pag-ulan ang  Cagayan Valley at mga probinsiya ng Aurora at Quezon .

Makakaranas din ng panaka-nakang pag-ulan na may kasamang pagkulog pagkidlat at maulap na papawirin ang Metro Manila at nalalabing  bahagi ng bansa.

 

Show comments